Dean's Note Archive

Sino si LaongLaing?

Bata pa lang si laonglaing eh sobrang nahilig na siya sa pag guhit. Pakiramdam niya lahat ng gusto niyang gawin na imposibleng magawa sa totoong buhay ay kaya niyang magawa sa pamamagitan ng pag guhit. Bolpen at papel ang madalas niyang hawak sa tuwing pumpasok siya sa mundo ng imahinasyon. Minsang nangarap si laonglaing na darating ang panahon at siya ang unang-unang Pilipino na makakagawa ng isang all pinoy animation.


Nagtapos siya ng kursong ECE sa isang kilalang institutusyon sa larangan ng ehinyero.


 Sa ngayon nagtra-trabaho siya sa isang kilalang IT Company.

Bagamat sa ibang direksyon ang tinahak ng kanyang karir, patuloy pa rin siyang nangangarap na dumating ang araw na maimprenta ang mga kathang nilikha niya gamit ang kanyang kakaibang imahinasyon. Dahil na rin sa pangarap na ito, naisipan niyang likhain ang babasahing ito.

Ikasisiya niyang malaman ang mga kumento ng mga makakabasang nilalang ng kanyang likha. Negatibo man o Positibo, sapagkat naniniwala siya na makakatulong ang mga kumentong ito upang maging mas maayos ang kanyang mga likha.


Para Sa'yo na naglaan ng oras upang basahin
ang maikling istorya tungkol kay LaongLaing...



ano pala masasabi niyo dito?
BLINKMAN

No comments:

Post a Comment